Ito ang tinututukan ngayon ng binuong Task Force Criselda ni P/Supt. Crispin Agno, provincial director ng Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Base sa ulat ng pulisya, si Bondoc na nasa ikalawang termino bilang konsehala sa bayan ng Bantay at kilalang negosyante ay binaril sa likurang bahagi ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa gasolihan na pag-ari ng kanyang asawang si Elpidio Collo.
"Posibleng love triangle o kaya problema sa pamilya ang dahilan ng pagpatay sa biktima. Wala namang nakikitang anggulo sa pulitika sa motibo ng pagpaslang," pahayag ni P/Supt. Panfilo Racho, provincial chief ng CIDG
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, si Bondoc at Collo ay sinampahan kamakailan ng kasong bigamy ng unang asawa ni Collo, subalit, itoy nadismiss ng korte.
Nalaman din sa imbestigasyon na ang nasabing gasoline station ay isa conjugal property ni Collo at unang asawa nito na ngayon ay nagta-trabaho sa bansang Spain. (Ulat ni Artemio Dumlao)