Anak ng ex-mayor, 3 iba pa tiklo sa drug bust
July 24, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Nadakma ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na kalalakihan kabilang na ang isang anak ng ex-mayor sa isinagawang drug-bust operation sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Enrique Magsaysay Jr. ng Ohio St., Upper Kalakhan Road, Olongapo City; Segundo "Undong" Carvantes ng Sitio Tahimik, Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales; Christopher Dilag at Noel "Bobot" Tonal ng Mercurio St., Purok 3-B ng nabanggit na bayan.
Napag-alamang si Enrique na pinaniniwalaang may ilang ulit nang nasasangkot tungkol sa ipinagbabawal na gamot ay anak ni ex-Castillejo Mayor Enrique Magsaysay Sr.
Sa ulat ng PDEA, unang nadakma si Carvantes na nagbebenta ng shabu sa isang pulis na poseur buyer, samantala, sina Magsaysay Jr. Dilag at Tonal at dinakip habang nagpa-pot session sa bahay na pag-aari ni Carvantes.
Nakumpiska sa mga suspek ang hindi nabatid na gramo ng shabu at mga gamit sa ipinagbabawal na gamot. (Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am