Mag-ina, 1 pa inatado ng senglot
July 23, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang mag-ina at isa pa makaraang pagtatagain ng senglot na kapitbahay na may galit sa mister ng una sa Barangay Tagaytay sa bayan ng Camalig, Albay kamakalawa ng gabi. Ang mga biktima na ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilalang sina Marites National, 23; anak na si Euri Daisy, 3; at Arnel Nieva, 42, na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay. Samantala, tinutugis naman ang suspek na si Alvin Nieva, 40, magsasaka. Tinungo ng senglot na suspek ang bahay ng mag-ina at nang hindi madatnan ang kagalit na mister ni Marites ay pinagbalingan ang mag-ina at utol nito bago tumakas. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest