^

Probinsiya

CIDG sa Zambales sabit sa extortion

-
OLONGAPO CITY — Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Zambales kabilang ang kanilang hepe na pinaniniwalaang sangkot sa pangingikil sa may-ari ng night club na kanilang sinalakay sa bahagi ng Barangay Calapandayan sa bayan ng Subic, kapalit ng pag-urong ng kaso may ilang buwan na ang nakalipas.

Pormal na iimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Office-3 (CIDG-RO3) sa pamumuno ni P/Chief Supt. Salvador Manga ang mga operatiba ng CIDG-Zambales kabilang na si P/Supt. Christopher Tambungan kaugnay sa pagkakasangkot ng mga ito sa aregluhan blues na pinaniniwalaang naganap sa loob ng kanyang tanggapan noong Hulyo 7, 2005.

Base sa natanggap na impormasyon ng PSN, nagsagawa nang pagsalakay ang mga operatiba ng CIDG sa Pepecaca night club sa Barangay Calapandayan kung saan may 12-kababaihan ang naaresto dahil sa pagsasayaw ng hubo’t hubad sa entablado.

Dinala ang mga kababaihan sa CIDG headquarters sa Barangay Barretto, Olongapo City para imbestigahan, subalit naantala ang pag-iimbestiga matapos sumulpot sa naturang tanggapan ang isang nagngangalang Manny Arce, may-ari ng gusaling sinalakay at naki-usap na huwag nang sampahan sila ng kaso kasabay ang paghatag ng P50, 000 kapalit ng pag-ayos at pagsasara ng tuluyan sa kaso.

Sinabi pa ni Manga na agad nitong aaksyunan ang naturang insidente at kapag napatunayan sangkot nga ang kanyang mga tauhan at opisyal sa naturang anomalya ay gagawa siya ng kaukulang hakbang. (Ulat nina Jeff Tombado at Alex Galang)

vuukle comment

ALEX GALANG

BARANGAY BARRETTO

BARANGAY CALAPANDAYAN

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER TAMBUNGAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-REGIONAL OFFICE

JEFF TOMBADO

MANNY ARCE

OLONGAPO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with