Sanggol dedo sa kontaminadong tubig
July 23, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Patay ang isang sanggol habang tatlong iba pa ang nasa malubhang kalagayan matapos uminom ng kontaminadong tubig galing sa bukal kamakalawa sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.
Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), nakilala ang biktima na si Jemuel Severina, isang-taong gulang. Ginagamot naman sa Northern Mindanao Medical Center ang tatlong iba pa na sina Ernesto Batilan, Cresencia Batal, 65, at Bebing Dicdican, 40, pawang residente ng Barangay Casinglot at Barangay Natamula, Sitio Malaiba, Tagoloan.
Sa ulat ni Dr. Advincula, provincial medical health officer, hindi ito isang kaso ng food poisoning kundi isang uri ng kontaminasyon na tumama sa mga residente na kumukuha ng tubig-inumin sa bukal.
Ayon kay Dr. Advincula, personal niyang dinalaw ang Sitio Malaiba upang inspeksiyunin at lumabas na isang lumang catch basin ang dinadaluyan ng tubig na may edad 14 taon na. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended