^

Probinsiya

2 luxury vehicles sa SBMA nasabat

-
SUBIC BAY FREEPORT – Nasabat ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) ang dalawang mamahaling sasakyan na tangkang ipuslit palabas ng Freeport kamakalawa ng hapon.

Sa isinumiteng ulat ni ESS-CPD Commander Maj. Camilo P. Cascolan Jr., kay Bureau of Customs (BoC) Subic District Office Collector Atty. Andres Salvacion, nasabat ang isang Toyota Lucida na may plakang RDD-266 at Toyota Estima (RDD-255) dakong alas 4 ng hapon ilang sandali lamang matapos makalabas sa maingate ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) sa Rizal Bridge, Olongapo City.

Pawang mga pekeng papeles at gate pass ang ipinakita ng dalawang drayber ng nasabing mga sasakyan na nakilalang sina Tomas Macaslang at Rosalio Bertiz Jr.

Ayon kay Cascolan, ang ginamit na gate pass na may trace no. 0102492 ay unang ginamit ng mga drayber sa mga luxury vehicles na nailabas noong Hunyo 23, 2005.

Nakatala sa Sunlift Subic International Corp. ang dalawang sasakyang kinumpiska na isang rehistradong locator sa Subic Bay Freeport Zone.

Napag-alaman na nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Land Transportation Office (LTO) kung ang nakakabit na mga plaka sa dalawang sasakyan ay tunay na nakarehistro. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANDRES SALVACION

BUREAU OF CUSTOMS

CAMILO P

CASCOLAN JR.

COMMANDER MAJ

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

JEFF TOMBADO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

OLONGAPO CITY

SUBIC BAY FREEPORT ZONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with