^

Probinsiya

Milyonaryong trader itinumba

-
SANTIAGO CITY — Hindi na sinikatan ng araw ang isang kilalang trader na nagmamay-ari ng sikat na resort at dalawang hotel makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng tatlong hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakikipag-usap sa kanyang katiwala sa Barangay Malvar, Santiago City noong Martes ng gabi.

Dalawang bala ng baril sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Pedro Hangdaan, 54, tubong Ifugao at residente ng Barangay Quirino sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Ang biktima na kumandidato bilang alkalde noong 2001sa Quezon ay may-ari ng sikat na Banaue Lodge at Banaue Resort sa nasabing lugar at may sangay sa Santiago City.

Sa naantalang ulat ng PNP-Santiago City, naitala ang pamamaslang dakong alas-siyete ng gabi habang lulan ng traysikel at nakikipag-usap ang biktima sa kanyang katiwala sa harapan ng kanyang hotel.

Walang kamalay-malay ang biktima na lalapitan siya ng tatlong armadong kalalakihan at isasagawa ang krimen.

"Walang kinalaman ang isyung pulitika sa pagpaslang sa aming ama dahil wala siyang kalaban sa alinmang partido at walang kaaway," pahayag ng dalawa sa walong anak ng trader.

Hindi naman sinaktan ang kausap na katiwala ng biktima na mabilis tumakbo palayo habang isinasagawa ang pamamaslang laban sa negosyante. (Ulat ni Victor Martin)

BANAUE LODGE

BANAUE RESORT

BARANGAY MALVAR

BARANGAY QUIRINO

DALAWANG

NUEVA VIZCAYA

PEDRO HANGDAAN

SANTIAGO CITY

VICTOR MARTIN

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with