Cafgu itinumba sa harap ng ama
July 21, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 57-anyos na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ng apat na rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa harap mismo ng ama ng biktima sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte kamakalawa.
Duguang bumulagta ang biktimang si Virgilio Disanta ng Barangay Fabrica sa bayan ng San Vicente ng nabanggit na lalawigan. Napag-alamang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang ama patungo sa lupaing sinasaka nang harangin ng mga rebelde at isagawa ang krimen. Hindi naman sinaktan ang ama ng biktima kaya naipagbigay-alam sa kinauukulan ang pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Cristina Timbang | 15 hours ago
By Tony Sandoval | 15 hours ago
Recommended