Magnanakaw ng manok tinodas

CAVITE – Binaril ng shotgun at namatay ang isa sa apat na kawatan ng panabong na manok makaraang maaktuhan ng isang nagrorondang barangay tanod sa madilim na bahagi ng Barangay Lalaan 2 sa bayan ng Silang, Cavite kahapon ng madaling araw. Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkikilanlan sa suspek na may taas na 5’4, kulot ang buhok, may edad na 18 hanggang 20-anyos at may tattoo sa kaliwang braso na letrang J. Sumuko naman sa pulisya ang nakapatay na si Amadeo Oloya, 45.

Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Patambang, namataan ang apat na may bitbit na sako na naglalaman ng manok na kanilang nasikwat at nang sitahin ni Oloya ay nakipagmatigasan pa hanggang sa maganap ang insidente habang ang tatlo ay nakatakas. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments