^

Probinsiya

3 magsasaka minasaker sa kubo

-
BAGUIO CITY – Muli na namang sumiklab ang karahasan sa Ilocos Norte makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang tatlong magsasaka sa loob ng kubo sa bahagi ng Barangay Aring sa bayan ng Badoc noong Lunes ng tanghali.

Kinalawit ni kamatayan ang tatlong biktima na nagpapahinga sa loob ng kubo matapos mag-araro sa bukirin na kinilalang sina Sherwin Retutal, Samuel Tolentino at Norman Renen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang tatlong magsasaka ay bigla na lamang pinasok ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan at isinagawa ang pamamaril.

Namatay agad ang dalawang biktima dahil kapwa napuruhan ng bala ng malalakas na kalibre ang baril, samantalang si Renen ay binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital sa karatig bayan ng Sinait.

Matatandaang kamakailan lamang ay tinambangan at malubhang nasugatan ang negosyanteng Australyano at asawa nitong may-ari ng isang resort at dahil sa patuloy na karahasang nagaganap sa nasabing lalawigan ay minabuti ng mag-asawa na lumipat sa ibang lugar.

Nabatid na noong 2004 ay pinaslang din ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang isa pang mayor sa isang bayan ng Ilocos Norte at nasundan pa ng isang vice-mayor.

Isa rin SK chairman ng bayan ng Badoc ang pinagbabaril din noong nakaraang taon sa patuloy na karahasan sa nabanggit na lalawigan. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

ARTEMIO A

AUSTRALYANO

BADOC

BARANGAY ARING

DUMLAO

ILOCOS NORTE

ISA

NORMAN RENEN

SAMUEL TOLENTINO

SHERWIN RETUTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with