^

Probinsiya

Opisyal ng NICA tinumba

-
BAGUIO CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mataas na opisyal ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng dalawang hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa harapan ng Saint Louis College sa San Fernando City, La Union noong Lunes ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Cesar Murla, 48, assistant director for operations ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng Region 1 na nakabase sa Camp Diego Silang, La Union.

Napag-alamang susunduin ng suspek ang anak sa nasabing kolehiyo nang biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang lalaki na naka-uniporme na katulad ng mga estudyante. Hindi na nakaporma ang biktima matapos na paputukan ng sunud-sunod hanggang sa bumulagtang duguan. Ilan sa mga nakasaksi sa insidente na kapwa may edad na 24 hanggang 25-anyos ang mga suspek na palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon kay P/Chief Inspector Sterling Blanco, posibleng may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang intelligence officer kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Artemio Dumlao)

ARTEMIO DUMLAO

AYON

CAMP DIEGO SILANG

CESAR MURLA

CHIEF INSPECTOR STERLING BLANCO

ILAN

LA UNION

NATIONAL INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

SAINT LOUIS COLLEGE

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with