^

Probinsiya

Mag-asawa kinatay sa bahay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – May posibilidad na paghihiganti ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapaslang ang mag-asawa ng kanilang kapitbahay na lalaki habang ang mga biktima ay natutulog sa sariling bahay sa Barangay Biyong sa bayan ng Tiwi, Albay kamakalawa.

Naisugod pa sa ospital, subalit idineklarang patay ang mag-asawang sina Jimmy Covilla, isang security guard at Beatriz Covilla na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Samantala, naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Cezar Cernechez, 34, may asawa, isang laborer at kapitbahay ng mag-asawang Covilla.

Bandang alas-12 ng hatinggabi nang pasukin ng suspek ang bahay ng mag-asawang natutulog saka isinagawa ang krimen.

Nagulantang ang mga kapitbahay ng mag-asawa nang makarinig ng matinding sigawan na animo’y humihingi ng saklolo kaya agad silang rumesponde at nadakip ang suspek na may hawak pa na patalim.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nagtanim ng galit ang suspek kay Jimmy matapos na makasagap ng balita na may relasyon sa kanyang asawa hanggang sa maganap ang insidente. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BANDANG

BARANGAY BIYONG

BEATRIZ COVILLA

CEZAR CERNECHEZ

COVILLA

ED CASULLA

JIMMY COVILLA

LEGAZPI CITY

NAGULANTANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with