^

Probinsiya

EZ 2 balls sa Zambales may basbas ng PNP

-
OLONGAPO CITY — Naging inutil ang pamunuan ng pulisya at opisyal ng lokal na pamahalaan laban sa patuloy na pamamayagpag ng operasyon ng sugal na EZ 2 balls na siyang ipinalit sa jueteng sa mga bayan ng Zambales.

Base sa impormante ng PSN, dalawang beses binobola ang sugal na EZ 2 balls kada araw na may kahalintulad din sa jueteng na may kombinasyon mula sa numerong 1 hanggang 31.

Nabatid pa sa impormante na guerilla type ang isinasagawang operasyon ng EZ 2 balls kung saan ang mga kabo nito ay palipat-lipat ng lugar para bolahin ang mga numero.

Napag-alamang nagngangalang alyas Peping Beldan ang pinaniniwalaang tumatayong financier sa operasyon ng EZ 2 balls sa nabanggit na lalawigan at ilan sa mga matataas na opisyal ng kapulisan sa Central Luzon ay nagsisilbing protektor.

Ayon pa sa source, aabot sa P2-milyon kada araw ang kinukobra mula sa EZ 2 balls na noong nakalipas na linggo lamang nagsimula ang nasabing operasyon.

Kabilang sa mga bayan ng Zambales na namamayagpag ang operasyon ng EZ 2 balls ay ang Subic, Castillejos, San Marcelino, San Narciso, San Antonio, Sta. Cruz, Iba, Cabangan at Botolan. (Ulat nina Jeff Tombado at Alex Galang)

ALEX GALANG

AYON

BALLS

CENTRAL LUZON

JEFF TOMBADO

PEPING BELDAN

SAN ANTONIO

SAN MARCELINO

SAN NARCISO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with