^

Probinsiya

Habambuhay sa killer police

-
Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang ipinataw na parusang habambuhay na pagkakabilanggo laban sa isang pulis na nakatalaga sa Baguio City matapos mapatunayang guilty sa pagpaslang sa kasamahang parak sa pagdaraos ng Panagbenga "Flower Festival’ noong 2001.

Batay sa desisyon ng Appellate Court ng 2nd Division, hindi nagkamali ang Baguio City Regional Trial Court (RTC) nang patawan ng ‘life imprisonment’ o 28 hanggang 38 taong pagkakabilanggo ang akusadong si SPO4 Jaime Ayochok.

Bukod sa kulong, inatasan pa si Ayochok ng CA na magbayad ng P2. 5 M sa mga naulilang pamilya ng biktimang si SPO1 Claudio Caligtan.

Sa rekord ng korte, noong Pebrero 7, 2001 katatapos lamang ng parada na kilala bilang Panagbenga sa Baguio City ng magkayayaang mag-inuman ang grupo ni Caligtan at ng suspek kung saan sa gitna ng kasayahan ay binaril at napatay ng akusado ang biktima. (Grace Amargo dela Cruz)

APPELLATE COURT

AYOCHOK

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY REGIONAL TRIAL COURT

BATAY

CLAUDIO CALIGTAN

COURT OF APPEALS

FLOWER FESTIVAL

GRACE AMARGO

JAIME AYOCHOK

PANAGBENGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with