Bus sinunog ng NPA rebels
July 18, 2005 | 12:00am
Camp Aguinaldo Sinunog ng anim na armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang pampasaherong aircon bus sa lalawigan ng Compostella Valley kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni AFP Chief of Staff Gen. Efren Abu, dakong alas-10:20 ng umaga nang harangin ng mga rebelde ang Metro Shuttle Bus na may body number 101 na galing sa bayan ng Nabunturan at patungo sa New Bataan.
Armado ng Uzi machine pistol at caliber .45 pistol ay inatasan ng mga rebelde ang driver ng bus na dalhin ang behikulo sa Purok 8 , Brgy. Osmeña may 200 metro ang layo sa Cateel-New Bataan crossing at malapit sa taniman ng saging.
Agad na pinababa ng mga rebelde ang mga pasahero at kasunod nito ay binuhusan ng gasolina ang bus, sinindihan hanggang sa tuluyang lamunin ng apoy saka mabilis na nagsitakas.
Ayon sa teorya ng militar, ang mariing pagtanggi ng may-ari ng nasabing kumpanya ng bus na magbayad ng revolutionary tax sa grupo ng mga rebelde ang motibo ng panununog.
Kinumpirma naman ng isang lider ng mga rebelde na kinilala sa alyas na Ka Orit na ang kaniyang mga tauhan ang responsable sa insidente. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended