Kano na humalay sa dalagang anak, nag-suicide

Camp Crame – Pinaniniwalaang matinding surot ng konsensiya at takot na mabitay ang nagtulak sa isang American national na humalay sa anak na dalaga na natagpuang nagbigti sa loob ng kanyang selda sa Angeles City District Jail sa Pampanga kamakalawa.

Lawit ang dila, nangingitim ang buong katawan ng makita ang biktimang si Michael Sherwood, 55 anyos, dating US Serviceman na nakatali pa ng duguang sintas ng sapatos sa leeg at nakasabit sa kisame ng piitan.

Sa report, ang pagpapatiwakal ng biktima ay natuklasan ng mga kasamahan nitong preso dakong alas - 2 ng madaling-araw.

Ang bangkay ng biktima ay nagtamo ng malalim na sugat sa leeg at may hawak pang isang matalim na apat na pulgadang kutsilyo sa kanang kamay.

Narekober din mula sa bangkay ng biktima ang isang gintong singsing, isang kulay kayumangging pitaka na naglalaman ng P5,630.00 cash at ang dokumento ng kaso nitong rape na isinampa ng 18 anyos na anak nitong dalaga.

Ayon sa pahayag ng mga kasamahang preso ni Sherwood noong nabubuhay pa ito ay palaging tulala at umaming natatakot mabitay sa kasong panggagahasa sa sariling anak.

Show comments