17 natodas sa aksidente
July 17, 2005 | 12:00am
Walong sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng trak ang kasalubong na pampasaherong jeep sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Afga sa bayan ng Sibagta, Agusan del Sur, kamakalawa.
Kasalukuyan pang bineberipika ang mga pagkikilanlan ng mga namatay na biktima, samantala, ginagamot naman sa ibat ibang ospital ang mga sugatan.
Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naitala ang sakuna bandang alas-4 ng hapon habang patungo ang pampasaherong jeep sa Butuan City mula sa bayan ng Bayugan.
Samantala, apat-katao naman ang kumpirmadong nasawi sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Hermogenes Concepcion, Cabanatuan City makaraang sumalpok ang Honda CRV ng mga biktima sa pader ng isang gusali kahapon ng umaga.
Kabilang sa namatay ay sina Don-Don Estavillo, 19, ng Brgy. Gen Luna; Jerome Cuevo, 20, ng Brgy. Caridad; Felita C. Padiernos, 28, ng Cecilia Village; at Jeremie Ocampo, 29.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sumalpok sa tagiliran ng Solar Appliance Center Building ang sasakyang minamaneho ni Estavillo na pinaniniwalaang lango sa alak. Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay nanggaling sa blow-out party sa Linx Bar & Restaurant sa Barangay Daan-Sarile, bago magkakasamang umuwi sakay ng Honda CRV na may temporary plate number IB 101. My posibilidad na inaantok ang drayber na si Estavillo kaya hindi nito nakontrol ang manibela at nagtuluy-tuloy na sumalpok sa pader.
Tatlo-katao ang kinalawit ni kamatayan sa naganap na magkahiwalay na road mishap sa bayan ng Camalig at Daraga, Albay kamakalawa. Kabilang sa nasawi ay nakilalang sina Ariel Mario Bernal; Joselito Abapo; at Esperanza Derpo.
Sa ulat ng pulisya, sakay ng Mitsubishi Adventure (YBU-854) si Ariel at Joselito, kasama ang apat pang iba nang mawalan ng kontrol ang drayber at mahulog sa malalim nahukay sa Barangay Ilawod sa bayan ng Camalig, Albay. Napag-alamang patungo ang mga biktima sa bayan ng Matnog, Sorsogon mula sa Maynila upang sumakay ng barko na may rutang Samar.
Posibleng inaantok ang drayber na si Ariel habang nagmamaneho bandang ala-1:30 ng madaling-araw.
Kasunod nito, namatay naman si Esperanza habang labintatlo pa ang sugatan makaraang magsalpukan ang pampasaherong bus (PXW-758) at dyipni (EVV-130) sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Sipi sa bayan ng Daraga, Albay.
Dalawa pang sibilyan ang binawian ng buhay makaraang sumalpok ang motorsiklo ng mga biktima sa kasalubong na trak sa Gipit Road na sakop ng Barangay San Jose, Antipolo City kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga nasawing biktima na si Apolinario Suarez, 53 at Brenda Bacus, 26 na kapwa naninirahan sa J.P. Rizal Street, Brgy. Dela Paz, sumuko naman ang drayber ng trak (TAU-930) na si Eric Limboy ng Sitio Quarry. (Ulat nina Angie Dela Cruz, Christian Ryan Sta. Ana, Ed Casulla at Edwin Balasa)
Kasalukuyan pang bineberipika ang mga pagkikilanlan ng mga namatay na biktima, samantala, ginagamot naman sa ibat ibang ospital ang mga sugatan.
Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naitala ang sakuna bandang alas-4 ng hapon habang patungo ang pampasaherong jeep sa Butuan City mula sa bayan ng Bayugan.
Kabilang sa namatay ay sina Don-Don Estavillo, 19, ng Brgy. Gen Luna; Jerome Cuevo, 20, ng Brgy. Caridad; Felita C. Padiernos, 28, ng Cecilia Village; at Jeremie Ocampo, 29.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sumalpok sa tagiliran ng Solar Appliance Center Building ang sasakyang minamaneho ni Estavillo na pinaniniwalaang lango sa alak. Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay nanggaling sa blow-out party sa Linx Bar & Restaurant sa Barangay Daan-Sarile, bago magkakasamang umuwi sakay ng Honda CRV na may temporary plate number IB 101. My posibilidad na inaantok ang drayber na si Estavillo kaya hindi nito nakontrol ang manibela at nagtuluy-tuloy na sumalpok sa pader.
Sa ulat ng pulisya, sakay ng Mitsubishi Adventure (YBU-854) si Ariel at Joselito, kasama ang apat pang iba nang mawalan ng kontrol ang drayber at mahulog sa malalim nahukay sa Barangay Ilawod sa bayan ng Camalig, Albay. Napag-alamang patungo ang mga biktima sa bayan ng Matnog, Sorsogon mula sa Maynila upang sumakay ng barko na may rutang Samar.
Posibleng inaantok ang drayber na si Ariel habang nagmamaneho bandang ala-1:30 ng madaling-araw.
Kasunod nito, namatay naman si Esperanza habang labintatlo pa ang sugatan makaraang magsalpukan ang pampasaherong bus (PXW-758) at dyipni (EVV-130) sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Sipi sa bayan ng Daraga, Albay.
Nakilala ang mga nasawing biktima na si Apolinario Suarez, 53 at Brenda Bacus, 26 na kapwa naninirahan sa J.P. Rizal Street, Brgy. Dela Paz, sumuko naman ang drayber ng trak (TAU-930) na si Eric Limboy ng Sitio Quarry. (Ulat nina Angie Dela Cruz, Christian Ryan Sta. Ana, Ed Casulla at Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 21, 2024 - 12:00am