Visayas Region nilindol
July 16, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Niyanig kahapon ng intensity 5 ang Central at Western Visayas Region na posibleng magkaroon ng tsunami at pagsabog ng bulkan. Ayon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC) bandang alas-6:53 ng umaga nang maramdaman ang lindol sa bahagi ng Iloilo City, Bacolod City, Dumaguete City at Metro Cebu kabilang ang Mandaue, Cebu City, Minglanilla sa Antique Province, Roxas City at Sagay City. Wala namang iniulat na napinsala sa gusali ng nabanggit na lugar. Nabatid na ang lindol sanhi ng tectonic plates na nagkikiskisan sa ilalim ng lupa sa bahagi ng Panay Island. Pinawi naman ng mga volcanologist ang pangamba ng taumbayan na walang magaganap na pagsabog ng bulkan at ang kinatatakutang tsunami sa baybaying dagat. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest