Bebot kinatay sa restaurant

CAINTA, Rizal — Tinadtad ng saksak ang isang 40-anyos na babae ng kanyang nobyo sa paniniwalang may ibang karelasyong lalaki ang biktima sa isang restaurant sa Barangay Sto. Domingo ng bayang ito, ayon sa ulat kahapon.

Labing-apat na saksak ng patalim ang tumapos sa buhay ni Julie Rose Trinidad ng Karen Street, Paliparang sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, samantalang nagtangkang mag-suicide ng suspek na si Horacio Manalo ng Bright Hills Street, New Manila, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtalo ang mag-syota tungkol sa kumalat na balitang may karelasyong ibang lalaki ang biktima habang kumakain sa Village East Restaurant. Itinanggi ng babae ang akusasyon at agad na tumayo patungo sa banyo, subalit sinundan siya ng suspek hanggang sa makarinig ng sigaw ang ilang kumakain at sumaklolo naman. Dahil sa nakakandado ang pintuan ng banyo ay nagawang wasakin ng mga sumaklolong tao hanggang sa bumungad ang duguang katawan ng mag-syota. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments