^

Probinsiya

3 mangingisda natusta sa kidlat

-
LEMERY, Batangas – Halos hindi na makilala ang tatlong mangingisda makaraang tamaan ng kidlat sa baybaying dagat na sakop ng Barangay Balanga sa bayan ng Lemery, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Inspector Crod Maranan, hepe ng Lemery PNP, ang mga biktimang sina Zaldy Sarabia, 46; ang nakababatang kapatid na si Eliseo, 35, kapwa residente ng Naujan, Oriental Mindoro at ang kasamahang si Apollo Gamboa, 33, ng Barangay Wawa, Batangas City.

Base sa ulat, bandang alas-siyete y medya ng gabi nang magkasundo ang mga biktima na pumalaot lulan ng isang banka nang biglang gumihit ang matalim na kidlat at tinamaan ang tatlo na noo’y magkakatabi sa kanilang inuupuan.

Halos matusta ang buong katawan ng mga biktima na nagtamo ng 3rd degree burns sa malaking bahagi ng kanilang mga katawan na kasalukuyan ng nakalagak sa Taal Funeral Homes.

Batay sa salaysay ng mga kaanak ng mga biktima, hindi nila inaasahan na may namumuong masamang panahon dahil umaambon lang ng mangyari ang malagim na insidente. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Joy Cantos at Danilo Garcia)

vuukle comment

APOLLO GAMBOA

ARNELL OZAETA

BARANGAY BALANGA

BARANGAY WAWA

BATANGAS

BATANGAS CITY

CHIEF INSPECTOR CROD MARANAN

DANILO GARCIA

JOY CANTOS

LEMERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with