Singil sa kuryente babawasan ng P2
July 15, 2005 | 12:00am
CASTILLEJOS, Zambales Nakatakdang ipatupad ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang halagang P2-bawas sa singil sa kuryente makaraang katigan nito ang petisyong isinampa ng Castillejos Consumers Association (CASCONA) para sa pag-apruba sa unbundled rates, kasama na rito ang Power Purchase Agreement (PPA) ng Zambales II Electric Cooperative (ZAMECO-II).
Ayon kay Engr. Dominador Gallardo, CASCONA president, ibababa ang singil sa kuryente sa mga residente ng Castillejos mula sa regular na P7.62. na ngayon ay P5.46 na lamang kada kilowatt hour (PKWH) o P2.15 ang kabuuang ibinaba nito.
Inatasan ng ERC ang ZAMECO-II na ipatupad kaagad ang unbundled rates sa mga consumers at maging ang wage adjustment clause (WAC) ay pinawalang bisa na rin sa ikukunsumo sa babayarang kuryente.
Napag-alaman pa na isa sa mga dahilan ng ERC na aprubahan ang isinampang unbundled rates ay upang maiwasan ang malawakang anomalya sa ZAMECO II na kasalukuyang nagaganap.
Sinabi pa ni Gallardo na unang naghain ng petisyon ang CASCONA sa ERC para sa pag-apruba sa unbundled rates noong 2001 at dahil sa sunud-sunod na pag-follow up ay pormal na ipapatupad, bagay na ikinatuwa ng mga residente ng Castillejos. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended