3 TMG sinibak sa kasong extortion
July 15, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tatlong tauhan ng Provincial Traffic Management Group (TMG) sa Camarines Sur ang sinibak sa kanilang tungkulin makaraang ireklamo ng kasong extortion ng kanilang mga naging biktimang drayber.
Ayon kay P/Supt. Rudie Valoria, hepe ng Regional Traffic Management Office (RTMO-5), kabilang sa mga suspek na sinibak ay sina P/Chief Inspector Carl Michael Reyes; SPO3 Romeo Hakutina; at SPO4 Petronillo Samonte.
Base sa ulat ni Valoria, ang mga suspek ay inirereklamo ng mga bihayero at ilan sa mga biktima ay nagpadala na ng sulat sa tanggapan ng RTMO sa Camp Simeon Ola.
Napag-alamang naniningil ng P100 bilang storage fee sa mga drayber na walang plaka ang kanilang sasakyan na naka-impound sa compound ng TMG sa Camarines Sur.
Dahil sa pagkakasibak ng naturang opisyal ay pinagbantaan pa nito ang kanyang hepe na si P/Supt. Valoria sa pamamagitan nang pagpapadala ng text messages na " Gago kang opisyal. Hindi ako takot sa Mindanao. Isipin mo taga Naga ako." na siyang ipinakita sa sumulat na ito.
Kinumpirma naman ng ilang opisyal ng TMG sa Camp Crame ang reklamo laban sa mga suspek matapos magpadala ng imbestigador. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest