Biyuda dedo sa magnanakaw

BULACAN — Pinagpapalo hanggang sa mapatay ang isang 82-anyos na biyuda ng mga hindi kilalang lalaki na nanloob sa bahay ng biktima sa Sitio Halang, Barangay San Agustin, Hagonoy, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Duguang nadiskubre ang bangkay ni Feliza Figueroa sa loob ng kanyang kuwarto.

Sa ulat ng pulisya, may palatandaang ninakawan ang biktima dahil nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments