Coed nagbigti dahil sa problema

LEGAZPI CITY – Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang matinding problema sa pamilya kaya nagbigti ang isang 25-anyos na kolehiyala sa kanilang bahay sa Purok 3, Barangay Cobo, Tabaco City, kamakalawa.

Bandang ala-una ng hapon nang matagpuang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto si Helen Hermo. Nakalagay sa suicide note na iniwan ng biktima, ang paghingi nito ng tawad sa kanyang mga magulang. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments