Ama dinedo sa harap ng anak

CAVITE — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na ama ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papauwi kasama ang anak na lalaki sa bahagi ng Sitio Kulipay, Barangay Kaymisa, sa bayan ng General Aguinaldo, Cavite kamakalawa ng gabi.

Bandang alas-9:30 ng gabi nang harangin at paslangin ang biktimang si Romeo Mullon, samantalang iniwang buhay ang 10-anyos na anak ni Romeo na si Jerry Boy Mullon. May teorya si SPO2 Roberto Beltran na may matinding galit sa biktima ang mga suspek kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments