Mayor, vice mayor kinasuhan ng murder
July 12, 2005 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, La Union Nahaharap ngayon sa balag ng alanganin ang alkalde at bise alkalde ng bayan ng Sto. Tomas, La Union makaraang akusahang pumatay sa isang barangay captain ng Balaoc noong Abril 18, 2004. Base sa record na nakalap mula sa opisina ng provincial prosecutor ng La Union, kabilang sa inakusahan ng murder ay sina Mayor Severino Carbonell; Vice Mayor Carlito dela Cruz; Atty. Jose Quesada Jr., at labing-apat na security aides na pinangunahan ni Eduardo Ramirez.
Ang nasabing dalawang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Sto. Tomas at labinlima pa ay isinasangkot sa pagpatay kay Arturo Colobong, barangay captain ng Balaoc, Sto. Tomas. Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, ang krimen ay naganap sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-singko ng hapon habang ang biktima ay nag-aayos ng lambat sa kanyang palaisdaan.
Napag-alaman pa sa mga testigo na ang biktima ay nakaluhod sa harapan ng mga armadong kalalakihan at nagmamakaawa, subalit isa sa mga suspek ang bumaril sa dibdib ni Colobong na ikinasawi kaagad nito. Nabatid na si Ramirez ay suspek din sa tangkang pagpatay sa dating municipal councilor at Bayan Muna lider sa bayan ng Aringay na si Atty. Charlie Cirilito Juloya. Kamakailan lamang ay nadakma si Ramirez sa loob ng opisina ng alkalde, subalit nakalaya matapos na magpiyansa.
Sa nakalap na dokumento, noong Hunyo 28, 2005, nagpalabas na ng order si Nestor Tolentino, acting provincial prosecutor na tinanggihan ang isinumiteng urgent motion ng mga akusado, bagkus pag-aaralan kung may probable cause ang nasabing kaso. (Ulat ni Vic Alhambra Jr.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended