Sa pahayag ni Rep. Edwin Uy (Lakas-CMD) ng ika-2 distrito ng Isabela, sakaling mapatalsik si PGMA sa illegal na paraan, hindi manghihinayang ang Region 2 na putulin ang pagpasok ng anumang uri ng pagkain at produkto sa Metro Manila.
" Ang Cagayan Valley naman ang pinanggagalingan ng halos mahigit na 60 porsiyento ng mga palay, mais, gulay at iba pang produkto na nagsu-supply sa ating bansa," dagdag ni Uy.
Sinang-ayunan naman ito nina Presidential Assistant for Cagayan Valley Francisco Mamba Jr.; Rep. Anthony Miranda (Kampi, 4th District); Rodito Albano (Lakas, 1st District); ex-Justice Secretary Silvestre Bello III, Lakas-CMD regional chairman; Isabela Vice Governor Ramon Uy (LP); ex-Isabela Governor Benjamin Dy (NPC); Quirino Vice Governor Dakila Cua (LP); Santiago City Mayor Amelita Navarro (Lakas-CMD) at ex-police director Thompson Lantion, chairman naman ng Lakas-CMD-Nueva Vizcaya chapter.
Ayon naman kay Ilagan Mayor Delfinito Albano, nakababatang kapatid ni Energy Regulatory Board chairman Rodolfo Albano, maliban sa mga pangunahing produkto ay ititigil din ang pagsu-supply sa mga wood lumbers at iba pang wood products.
"We are host to two of the biggest hydro-power dams (Magat Dam and the Casecnan Multi-Purpose Irrigation and Power Project) in Luzon. We are now the rice bowl of the country. We are a major supplier of corn and vegetable. We are rich in marine resources. Theres nothing to be afraid of if we cut our relationship with Manila," pahayag ni Board member Patricio Dumlao ng Nueva Vizcaya.
Nakatakdang bumisita ang 150 opisyal ng lokal na pamahalaan kay Pangulong Arroyo upang personal na iparating ang kanilang suporta sa administrasyon. (Ulat nina Victor Martin at Lilia Tolentino)