^

Probinsiya

Cagayan Valley People's Republic itatatag

-
ILAGAN, Isabela – Mula sa iba’t ibang partido ng pulitiko, nagpulung-pulong at nagkasundo ang mga maimpluwensyang lider ng Region 2 kamakalawa (10 July) na magtatag ng Cagayan Valley People’s Republic at harangin ang lahat na pangunahing produkto tulad ng mga gulay at bigas patungong Metro Manila kung tuluyang mapapatalsik sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa pahayag ni Rep. Edwin Uy (Lakas-CMD) ng ika-2 distrito ng Isabela, sakaling mapatalsik si PGMA sa illegal na paraan, hindi manghihinayang ang Region 2 na putulin ang pagpasok ng anumang uri ng pagkain at produkto sa Metro Manila.

" Ang Cagayan Valley naman ang pinanggagalingan ng halos mahigit na 60 porsiyento ng mga palay, mais, gulay at iba pang produkto na nagsu-supply sa ating bansa," dagdag ni Uy.

Sinang-ayunan naman ito nina Presidential Assistant for Cagayan Valley Francisco Mamba Jr.; Rep. Anthony Miranda (Kampi, 4th District); Rodito Albano (Lakas, 1st District); ex-Justice Secretary Silvestre Bello III, Lakas-CMD regional chairman; Isabela Vice Governor Ramon Uy (LP); ex-Isabela Governor Benjamin Dy (NPC); Quirino Vice Governor Dakila Cua (LP); Santiago City Mayor Amelita Navarro (Lakas-CMD) at ex-police director Thompson Lantion, chairman naman ng Lakas-CMD-Nueva Vizcaya chapter.

Ayon naman kay Ilagan Mayor Delfinito Albano, nakababatang kapatid ni Energy Regulatory Board chairman Rodolfo Albano, maliban sa mga pangunahing produkto ay ititigil din ang pagsu-supply sa mga wood lumbers at iba pang wood products.

"We are host to two of the biggest hydro-power dams (Magat Dam and the Casecnan Multi-Purpose Irrigation and Power Project) in Luzon. We are now the rice bowl of the country. We are a major supplier of corn and vegetable. We are rich in marine resources. There’s nothing to be afraid of if we cut our relationship with Manila," pahayag ni Board member Patricio Dumlao ng Nueva Vizcaya.

Nakatakdang bumisita ang 150 opisyal ng lokal na pamahalaan kay Pangulong Arroyo upang personal na iparating ang kanilang suporta sa administrasyon. (Ulat nina Victor Martin at Lilia Tolentino)

ANG CAGAYAN VALLEY

ANTHONY MIRANDA

CAGAYAN VALLEY FRANCISCO MAMBA JR.

CAGAYAN VALLEY PEOPLE

EDWIN UY

ENERGY REGULATORY BOARD

ILAGAN MAYOR DELFINITO ALBANO

LAKAS

METRO MANILA

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with