Rice allocation ng farmers hiling ibigay ng NFA
July 11, 2005 | 12:00am
Hiniling ng mga farmers cooperative sa National Food Authority na ibigay na ang bigas na inilaan sa kanila ng ahensiya bilang tulong sa mga magsasakang nagbebenta ng bigas sa nasabing ahensiya upang lumaki ang stock ng bigas sa bansa.
Sa isang resolusyon na pinirmahan ng mga Provincial Farmers Action Council (PFAC) ng Occidental Mindoro, Palawan, Oriental Mindoro at Eastern Pangasinan at iba pang lalawigan, hiniling nila kay NFA Administrator Gregorio Tan na ibigay na kaagad ang 51,903 kaban ng bigas na ipinangako nito sa mga magsasaka.
Ito anila ay batay sa June 15 radio message ni Tan sa ilang NFA Regional Directors na ibigay na ang additional rice allocation sa mga farmers cooperative na nakapagbenta na ng 5,000 kaban ng palay sa ahensiya sa nakaraang dalawang taon sa ilalim ng 2005 Institutionalized Farmers as Distributors (IFAD).
Nabatid sa mga magsasaka na ang IFAD ay pabuya ng NFA sa farmers cooperative dahil sa patuloy na pagbebenta nila ng palay sa nasabing ahensiya.
Sa ilalim ng IFAD, bibigyan sila ng alokasyong bigas na puwedeng ibenta depende sa ibinenta nilang bigas sa NFA para kumita sila at magamit ang tutubuin sa pagtatanim uli ng palay.
Subalit nalagay sila sa balag ng alanganin nang biglang bawiin ni Tan ang alokasyong bigas na inutos nito sa kanyang regional directors noong Hunyo 15, 2005 sa pamamagitan ng radio message.
Nakapangutang sila ng pera na ginamit na pambili ng binhi, pataba at pambayad sa patubig kaya ngayon ay nangangamba silang hindi makabayad sa inutangan nila.
Dahil dito, magalang na hiniling nila kay Administrator Tan na ibigay na ang kanilang alokasyong bigas para mabayaran nila ang inutang nilang pera na kada buwan ang nakapatong na interes.
Nagpahayag din ng kalungkutan ang mga magsasaka sa ginawang biglang pagbawi ni Tan sa inaprubahan nitong additional allocation ng kanilang IFAD.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended