Air Force official na dinukot, hiniling palayain
July 6, 2005 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) sa grupo ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na palayain ang kinidnap nilang Air Force sa Floridablanca, Pampanga noong Sabado.
Ayon kay PAF Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla, isang non-combatant ang biktimang si Major Neptune Eliquin, kasapi ng 355th Engineering Wing na nakabase sa Fernando Basa Air Base sa Bayan ng Floridablanca.
Si Eliquin ay dinukot ng tinatayang mahigit 30 rebelde sa pamumuno ni Ka Turi ng Lino Blas Command at Ka Edu ng Palermo Ortañez Command sa Sitio Uno Malinta, Mawakan Village, Floridablanca noong Sabado dakong alas-2:30 ng hapon.
Nabatid na ang biktima ay bibisita sa kanyang plantasyon sa Bgy. Mawakan sa naturang bayan nang harangin at puwersahang tangayin ng mga rebeldeng komunista.
Nabatid base sa intelligence report na buhay pa si Eliquin pero mahigpit itong binabantayan ng mga armadong rebelde sa kagubatan ng Pampanga.
Base sa inisyal na imbestigasyon, kinidnap ang biktima matapos na mairita ang mga rebelde sa puspusang pangangasiwa nito sa mga proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan na ibig ng mga komunistang grupo na pigilan ang pag-unlad. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended