Ina natodas sa pagsagip sa anak
July 6, 2005 | 12:00am
BACOLOD CITY Isang 32-anyos na ina ang kumpirmadong nasawi makaraang yakapin nito at nailigtas sa tiyak na kamatayan ang sariling anak na babae na mababagsakan ng kongkretong pader sa gilid ng kanilang bahay sa Barangay Bango sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.
Halos madurog ang bao ng ulo ng biktimang si Jocelyn Enema dahil sa kableng nakakabit sa sementong pader na bumagsak, habang yakap naman si Darlene Tolovero, 13, anak sa unang asawa ng una.
Isa sa kapitbahay ng biktima na nakilalang Toto, ang nagsabing nagulantang sila sa malakas na dagundong na likha ng bumagsak na pader bandang ala-1:45 ng madaling-araw.
Agad na nagpanakbuhan ang mga kapitbahay para usisain ang naganap na insidente at bumulaga sa kanila ang bahay ng biktima na natabunan ng sementadong pader na may taas na labindalawang talampakan.
Napag-alamang nasa loob ng bakanteng lote ang bahay ng pamilya Enema na pag-aari ng isang Mr. Itaas.
"Masyadong madilim ang lugar at boses lamang ng mga biktima ang aming tinutunton," dagdag pa ni Toto.
Umabot ng 40-minuto ang paghuhukay ng mga kapitbahay gamit ang maso bago nakuha ang mag-ina.
Base sa ulat, si Darlene ay natutulog nang yakapin ng kanyang ina matapos na makaramdam ng panganib.
"Dahil sa madilim ay inakala ko na boses ni ina ang humihingi ng saklolo hanggang mailigtas kami at napag-alaman ko na patay na pala siya," pahayag pa ani Darlene. (Ulat ni Antonieta Lopez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest