4 suspek sa pagpatay sa opisyal ng DepEd nadakma

ILOILO CITY — Apat na male worker na pawang suspek sa pagpaslang sa superintendent ng Aklan Schools Division ng Department of Education (DepEd) na si Arthur Juada noong Miyerkules ng umaga ang isinailalim sa interogasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay CIDG Regional Director P/Senior Supt. Jorge Corpuz, ang apat na pawang residente ng Iloilo City ay pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan at kinokonsiderang mga suspek, subalit itinatangging sangkot sila sa krimen bagkus nagbigay ng alibi. Isa sa mga suspek na pinaniniwalaang natulog kasama si Juada sa Punta Villa Resort sa Arevalo District bago matagpuan ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakatuon ang imbestigasyon ng CIDG.

Napag-alaman pa sa ulat, bago magtungo sa nasabing resort si Juada para dumalo ng seminar ay nag-check-in pa ito sa dalawang hotel sa Iloilo City na pinaniniwalaang may mga bisitang lalaki. (Ulat ni Ronilo Ladrido Pamonag)

Show comments