Nabatid na isasagawa ang naturang parada bilang bahagi ng Buglasan Festival 2005 ng Negros Oriental kung saan inaasahan ang pakikiisa ng may 29,000 mga motorsiklo na nakarehistro sa lokal na Land Transportation Office (LTO).
Kabilang sa mga motorsiklong lalahok ay ang mga big bikes o yaong nasa 400 cc pataas, dirt bikes at mga uso ngayon na mga econopower o mga cab type na motorsiklo.
Nais ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete City na mahirang bilang "Motorcycle Capital of the Philippines na papatunayan sa pamamagitan ng pagpasok sa World Records.
Maliban dito, paparangalan rin ang pinakaluma at pinakabagong motorsiklo, pinakamabigat na driver at pinakamalaking grupo o bike clubs na sasama sa okasyon. (Danilo Garcia)