Pinakamahabang parada ng motorsiklo ipapasok sa Guinness
July 4, 2005 | 12:00am
Tatangkain ng Department of Tourism (DOT) na muling makapasok ang Pilipinas sa Guinness World Book of Record sa pamamagitan ng pag-oorganisa sa pinakamahabang parada ng ibat-ibang uri ng motorsiklo sa lalawigan ng Negros Oriental.
Nabatid na isasagawa ang naturang parada bilang bahagi ng Buglasan Festival 2005 ng Negros Oriental kung saan inaasahan ang pakikiisa ng may 29,000 mga motorsiklo na nakarehistro sa lokal na Land Transportation Office (LTO).
Kabilang sa mga motorsiklong lalahok ay ang mga big bikes o yaong nasa 400 cc pataas, dirt bikes at mga uso ngayon na mga econopower o mga cab type na motorsiklo.
Nais ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete City na mahirang bilang "Motorcycle Capital of the Philippines na papatunayan sa pamamagitan ng pagpasok sa World Records.
Maliban dito, paparangalan rin ang pinakaluma at pinakabagong motorsiklo, pinakamabigat na driver at pinakamalaking grupo o bike clubs na sasama sa okasyon. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
23 hours ago
Recommended