^

Probinsiya

Manager ng banko pinatay

-
Nueva Vizcaya – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang regional manager ng Central Bank of the Philippines-Tuguegarao Chapter ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nasa labas ng kanilang opisina sa bahagi ng Gonzaga Street, Tuguegarao City kamakalawa ng hapon. Ayon kay Gen. Jeferson Soriano, pagnanakaw ang pinaniniwalaang isa sa motibo ng krimen dahil nawawala ang relo, tatlong gintong singsing, pitaka, bag at cellular phone ng biktimang si Fidel Dizon Alvarez, 40, ng Malabon, Metro Manila.

Sa ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na kasama ang security guard ng nasabing banko habang nanonood ng telebisyon. Dakong alas-4:30 ng hapon nang lumabas ng gusali ang biktima upang magpahangin hanggang sa matiyempuhan ng mga hindi kilalang lalaki at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Victor Martin)

vuukle comment

AYON

CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES-TUGUEGARAO CHAPTER

DAKONG

FIDEL DIZON ALVAREZ

GONZAGA STREET

JEFERSON SORIANO

METRO MANILA

NUEVA VIZCAYA

TUGUEGARAO CITY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with