Habambuhay sa mag-ama kinatigan ng Supreme Court
July 3, 2005 | 12:00am
Kinatigan ng Supreme Court (SC) na makulong habambuhay ang mag-amang pumatay ng isang barangay tanod sa Virac, Catanduanes.
Sa 27-pahinang desisyon na isinulat ni SC Associate Justice Romeo Callejo, ang mag-amang Jose at Allan Bulan ay unang hinatulan ng Virac, Catanduanes, Regional Trial Court (RTC) ng parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagpatay sa biktimang si Alberto Mariano.
Ayon sa SC, napatunayan na nagkasala ang mag-amang Bulan matapos na tanggapin ng korte ang testimonya ng testigong si Perlita Mariano, kapatid ng biktima.
Dalawang ulit umanong pinagsasaksak ng akusado ang biktima sa likuran nito.
Hindi rin pinaniniwalaan ng korte ang depensa ng mag-amang akusado dahil sa walang merito at bigat.
Wala ring ebidensiya na nakapagpababa ng sentensiya laban sa mag-ama kung kayat kapwa pinagbabayad ng P100,000 bilang danyos sa kaanak ng biktima. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended