Hukom sa Cavite sinuspinde
July 3, 2005 | 12:00am
Sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang isang hukom makaraang mabigo itong agad makapagpalabas ng resolution at hindi kaagad naibigay sa mga awtoridad ang baril na ginamit sa pagpapakamatay ng isang staff nito.
Sa 20-pahinang desisyon ng Supreme Court, napatunayan na si Dasmariñas, Cavite Municipal Trial Court Judge Lorinda T. Mupas ay guilty ng gross misconduct at gross ignorance of the law.
Binalaan din ng SC si Mupas na kapag inulit ay papatawan ng mas mabigat na parusa.
Habang naligtas naman sa anumang kaparusahan ang clerk of court nito na si Amelia Rivor, kaugnay sa pagkawala ng ilang ebidensiya sa korte.
Sa ginawang pagsisiyasat ng Office of the Court Administrator, nadiskubre na hindi umano naibigay o nai-turn-over sa pulisya ni Mupas ang baril na ginamit ng kanyang statf na si Giovanni Reintegrado sa pagpapakamatay.
Hindi rin umano nag-utos si Judge Mupas na magsagawa ng imbestigasyon ang korte kung paano nakuha ni Reintegrado ang baril kung ito ay tunay na pinangangalagaan ng korte bilang ebidensiya. (Ulat ni Grace A. dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended