^

Probinsiya

Testigo nilikida ng mga akusado

-
GUMACA, Quezon – Ginantihang patayin ang isang obrero ng pitong lalaki na inihabla ng tiyuhin ng biktima matapos na ito ay tumayong testigo, kamakalawa ng gabi sa Sitio Salvacion, Barangay Buensuceso.

Ang biktima na pinagbabaril ay nakilalang si Ismael Gavotia, 28, may asawa, ng naturang lugar.

Nadakip naman ng pulisya ang apat na suspek na sina Homer Ocampo, Jalilol Balabato, Rolando at Rodrigo Cadag, habang nakatakas ang tatlong iba pa na sina Randy, Rogelio at Rex Cadag.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Reynaldo Cabusora Jr., officer-on-case, bandang alas-11:20 ng gabi habang naghihintay ng masasakyang traysikel sa tabi ng highway ang biktima at ang tiyuhing si Gerry Lazona ay dumating ang mga suspek.

Namataan ng mga suspek ang magtiyuhin kaya pinaulanan ito ng bato at sa takot ng dalawa ay tumakbo pabalik ng kanilang bahay subalit hindi pa nakakapasok ng pintuan ang biktima ay pinagbabaril na hanggang duguang bumulagta.

Nakatakbo palayo si Lazona at humingi ng tulong sa mga awtoridad subalit nakatakas na ang ibang suspek pagdating nila sa crime site.

Sa ulat, bago maganap ang krimen ay nagbanta ang mga suspek sa biktima na may mangyayaring hindi maganda sa kanya dahil sa pagtestigo nito kaugnay sa iniharap na reklamo ni Lazona. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY BUENSUCESO

GERRY LAZONA

HOMER OCAMPO

ISMAEL GAVOTIA

JALILOL BALABATO

LAZONA

REX CADAG

REYNALDO CABUSORA JR.

RODRIGO CADAG

SITIO SALVACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with