Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Herminia V. Pasamba ng Malolos City Regional Trial Court, Branch 81, sinalakay ng mga tauhan ng AID-SOTF, PDEA, SOG, PNP Maritime Group at Bulacan PPO ang bodega na pinaniniwalaang ginagawang shabu laboratory.
Dinakip ng mga awtoridad ang may-ari ng bodega na si Li Fai Wang, habang tinutugis ang kasosyong si William Sy, alyas Joseph.
Sa isinagawang imbentaryo, nadiskubre ang 1,214 wooden crates na may kargang kemikal na pinaniniwalaang sangkap sa shabu, pitong plastic drums na Epedrine, 16 sako ng soda flakes, tatlong pirasong evaporators, apat pirasong vacuum pumps at dalawang funnels.
Kasama sa isinagawang raid sina Usec. Anselmo S. Avenido, director general ng PDEA; PDDG Ricardo F. De Leon, TF comdr. AID-SOTF; P/Chief Supt. Reynor Gonzales, director Maritime Group, Brgy, Chairman Ricardo M. Silvestre, Councilor Orestes Jacinto; Robert Gil del Rosario at Boy S. Cruz, media. (Ulat ni Efren Alcantara)