^

Probinsiya

Misis tinodas,mister nagbarill sa ulo

-
CAVITE – Pinaniniwalaang matinding selos ang posibleng nagtulak sa isang retired police major na tangkaing wakasan ang sariling buhay matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ang sariling misis sa loob ng kanilang bahay sa Gawaran Street sa Barangay Digman, Bacoor, Cavite noong Biyernes ng gabi.

Pitong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Modesta Monzon Patricio, 43, empleyada ng Far Eastern Surity and Insurance Co. na pag-aari ni Bacoor Vice Mayor Edwin Malvar at residente ng #25 Gawaran Street ng nabanggit na barangay.

Kasalukuyan namang nakikipaglaban kay kamatayan sa Saint Dominic Hospital matapos na magbaril sa dibdib at ulo si Ex-P/Chief Inspector Pepito Reyes Patricio, 65, dating nakatalaga sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus, Cavite.

Nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawang Patricio sa paniniwalaang may ibang karelasyong lalaki ang babae.

Ayon sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Benjardi Mantele, Cavite provincial director, napag-alaman pa na niyaya ng lalaki ang kanyang asawa na magtungo sa bagong bahay, subalit tumanggi ang babae kaya nagalit at humantong sa sigawan.

Hanggang sa magbunot ng baril ang lalaki at pitong ulit na pinutukan ang sariling misis hanggang sa mapaslang bago nagbaril naman sa sarili ang una, ayon pa sa ulat.

Batay sa salaysay ng mga kapitbahay, madalas umanong marinig na nag-aaway ang mag-asawa dahil sa pagiging seloso ng police major. (Ulat nina Cristina Go Timbang at Angie dela Cruz)

vuukle comment

BACOOR VICE MAYOR EDWIN MALVAR

BARANGAY DIGMAN

BENJARDI MANTELE

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CHIEF INSPECTOR PEPITO REYES PATRICIO

CRISTINA GO TIMBANG

FAR EASTERN SURITY AND INSURANCE CO

GAWARAN STREET

MODESTA MONZON PATRICIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with