Aabot sa P7-milyong pekeng kape na pinaniniwalaang ipinakalat sa mga bayan ng Central Luzon ang nasabat makaraang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ibat ibang tindahan kamakalawa. Dahil sa reklamo ng pamunuan ng Nestle Phils., Inc. na may sumasabotahe ng kanilang produktong instant coffee ay sinalakay ng NBI ang mga tindahan sa pamilihang bayan sa Dipaculao, Baler at Maria Aurora na pawang nasa lalawigan ng Aurora.
Napag-alamang sinalakay rin ang pitong tindahan sa bayan ng Poblacion, San Isidro, Gapan at Cabanatuan City, Nueva Ecija.
May teorya ang mga awtoridad na nagkukuta sa kalapit bayan ng Nueva Ecija at Aurora ang sindikato na gumagawa ng pekeng kape.
(Ulat ni Danilo Garcia)