Engkuwentro: 3 bulagta

CAMP AGUINALDO — Dalawang rebeldeng New People’s Army at isang kawal ng 71th Infantry Battalion ang iniulat na napatay sa naganap na madugong sagupaan sa bahagi ang Barangay Kita-Kita sa bayan ng San Jose City, Nueva Ecija kamakalawa.

Napatay sa panig ng militar si Pfc. Rommel Tabaris, samantalang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng dalawang rebelde. Sugatan naman si Pfc. Alojodo matapos na makasagupa ng tropa ng military ang grupo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments