Amok: 2 patay, 1 sugatan
July 1, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang 46-anyos na lalaking pinaniniwalaang may deperensya sa pag-iisip ang nabaril at napatay bago nakapatay ng isa makaraang mag amok ang una sa bahagi ng Barangay Masaguisi sa bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang napatay na nag-amok na si Eduardo Festin ng Sitio Happy Village sa nabanggit na barangay matapos barilin ng isa sa kanyang biktima, habang si Nicanor Magararu ay idineklarang patay sa St. Joseph Clinic na nagtamo ng maraming saksak sa katawan.
Ayon kay Police Inspector Arturo Divino, chief of police ng Bongabon, bandang alas- dos y medya ng hapon nang bigla lusubin ni Festin na armado ng kitchen knife ang magkakaibigang Arsenio Isler; Adrian Fabul at Nicanor Magararu na nooy naglalaro ng baraha.
Lumitaw sa imbestigasyon, na malubhang nasugatan si Magararu sa tinamong mga saksak sa katawan mula kay Festin na mabilis namang tumakas matapos ang insidente.
Itatakbo na sana sa pagamutan si Magararu ng mga kasamahan nang biglang bumalik ang nag-aamok na si Festin at nilusob uli ang grupo gamit ang mahabang bolo.
Mabilis na nakabunot ng baril si Isler at pinaputukan ang nag-aamok na lalaki hanggang sa mapatay ito. Nasugatan din si Isler matapos itong mataga sa ulo.
Agad naisugod sa Pinamalayan Hospital si Isler para gamutin ang sugat sa ulo, ngunit sinawing palad namang namatay si Magararu matapos magtamo ng malalalim na sugat ng patalim at itak. (Ulat nina Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended