93-saksak sa opisyal ng DepEd
July 1, 2005 | 12:00am
ILOILO CITY Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 58-anyos na superintendent ng Aklan Schools Division ng Department of Education (DepEd) ng hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa nasabing lungsod noong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay P/Senior Supt. Norlito Bautista, natagpuan ang bangkay ni Arthur Juada na may 93-saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan kabilang na ang labinlimang sugat na pawang nakamamatay at ang iba naman ay sugat dahil sa dumidepensa ang biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ng bellboy sa Punta Villa Resort sa Arevalo District ang walang saplot na bangkay ni Juada kung saan naka-billeted ito sa room 216 matapos magdaos ng seminar.
Ayon kay Bautista, binisita ng bellboy si Juada upang usisain dahil hindi pa ito lumalabas kahit tapos na ang seminar.
Nang buksan ng bellboy ang kuwarto ni Juada ay nagkalat ang dugo ng biktima sa dingding at kurtina kaya agad nitong ipinagbigay-alam sa kinauukulan. Tumanggi naman si Bautista na pangalanan ang suspek, subalit sinabi nito na posibleng mga kaibigan ng biktima ang gumawa ng krimen. Sa kasalukuyan ay wala pang motibo, subalit sinisilip ang anggulong pagnanakaw dahil ang cellular phone, pitaka, relo at mahahalagang gamit ng biktima ay nawawala. (Ulat ni Ronilo Ladrido Pamonag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended