3 GenSan bombers nasakote
June 30, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tatlong kalalakihan na isinasangkot sa aktibidad ng teroristang Jemaah Islamiyah sa pambobomba ang nasakote ng pinagsanib na tauhan ng pulisya at militar sa serye ng operasyon sa Central Mindanao, ayon sa mga opisyal kahapon.
Ang mga suspek na sumasailalim sa tactical interrogation ay nakilalang sina Ustadz "Nords" Mangelen; Pedro Hamsa na may alyas na Elmer Emran at Ali Kangkong Salipada, alyas Sualb Ali.
Napag-alamang si Mangelen na sangkot sa pambobomba sa pamilihang bayan sa General Santos noong Disyembre 2004 ay nasakote sa bahagi ng Barangay Broce sa Batu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ikinanta ni Mangelen ang pinagkukutaan nina Salipada at Emran kaya madaling nadakma ng mga awtoridad sa bahagi ng General Santos City.
Ayon sa ulat, ang grupo ni Mangelen ay pangunahing suspek sa pambobomba sa Davao City Internatioanl Airport noong Marso 2003 na ikinasawi ng 23-katao.
Ang grupo rin ni Mangelen ang itinuturong nagpasabog sa Awang Airport sa Maguindanao at sangkot din sa Valentines Day bombing sa General Santos City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended