Mag-asawa tiklo sa cybersex
June 30, 2005 | 12:00am
BAGUIO CITY Isang Australyano at asawa nitong Pinay ang dinakma ng mga tauhan ng Abra-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kasong tatlong counts ng human trafficking na may kinalaman sa cybersex sa Bangued, Abra.
Sa bisa ng warrant of arrest na walang piyansa na inisyu ni Judge Corpus Alzate ng Regional Trial Court, Branch 2 sa bayan ng Bangued, Abra, dinakip ang mga suspek na sina Peter Frederick Hall, 54 at asawa na si Priscilla Balaay Hall, 31, ng #9 Borbon Street ng nasabing bayan.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Marvin Bolabola, regional chief ng CIDG, limang kababaihan ang nagsampa ng kaukulang kaso laban sa nasabing dayuhan matapos salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang internet café nito na nagsisilbing front ng cybersex operations ng mag-asawa.
Sa salaysay ng mga biktima, naganap ang kanilang malalaswang pakikipag-chat sa mga dayuhan sa pamamagitan ng internet simula noong Pebrero 21 hanggang Marso 4, 2005.
Ang pagkakadakip sa mag-asawang suspek na ngayon ay nakakulong sa Abra Provincial Jail, ay pinangunahan ni P/Chief Insp. Rolando Osias, provincial chief ng CIDG sa Abra sa tulong na rin ng mga pulis mula sa Special Action Force (SAF) na nakatalaga sa nasabing lalawigan. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended