Factory manager niratrat, patay
June 30, 2005 | 12:00am
LIPA CITY Posibleng pinaghigantihan sa nag-suicide na obrero kaya hindi na sinikatan ng araw ang isang factory manager makaraang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papauwi sa Barangay Pook sa Lipa City, Batangas, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, hepe ng Lipa City PNP, ang biktimang si Dolores C. Babadilla, production manager ng All Round Fashion Garment Factory at residente ng B. Luz Street sa nabanggit na barangay.
Bandang alas-10 ng gabi habang papauwi na ang biktima lulan ng Mitsubishi Adventure na may plakang VCY-439 nang harangin at paputukan ng baril ng dalawang armadong hindi kilalang kalalakihan sakay ng motorsiklo, ayon sa ulat ng pulisya.
Namatay si Babadilla habang ginagamot sa Mary Mediatrix Hospital bunga ng mga tinamong tama ng bala sa kanyang leeg at ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa nakalap na impormasyon ng PSN kay SPO1 Edilberto Navarro, may posibilidad na paghihiganti ang motibo ng pamamaslang matapos magbigti ang isang empleyado ng factory na pinaniniwalaang pinagalitan ng manager.
"Maaring nagalit ang mga kamag-anak o mga kaibigan ng empleyadong nagpatiwakal, kaya ipinaghiganti nila ito sa kanyang manager" ani Navarro. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended