Mag-ama niratrat sa party

SARIAYA, Quezon — Isang 30-anyos na lalaki ang kumpirmadong pinaslang, samantalang kritikal naman ang anak nito makaraang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay habang nasa birthday party sa Barangay Manggalang Uno ng bayang ito, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa katawan ang nasawing si Nestor Rodriguez Jr., habang nakikipaglaban kay kamatayan sa Greg Hospital si John Carlo, 3-anyos na tinamaan sa bahagi ng ulo.

Ayon kay SPO1 Charlie Gutierrez, isa sa dalawang suspek na nakilalang si Teodoro Manigbas ay tinutugis sa hindi binanggit na lugar. Pinaniniwalaang may matinding alitan ang biktima at suspek kaya isinagawa ang krimen matapos na matiyempuhan sa party. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments