13 kabo tiklo sa jueteng

NUEVA ECIJA — Labintatlo-katao na pinaniniwalaang mga kabo at rebisador ng jueteng ang dinakma ng mga tauhan ng pulisya makaraang magsagawa ng biglaang pagsalakay sa lihim na pasugalan sa loob ng van sa Barangay Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi. Sa ulat ni P/Supt. Roel Obusan, provincial intelligence & investigation chief, hindi naman nasakote ang financier at jueteng operator na posibleng nagmula sa Maynila.

Napag-alamang lihim na nagsasagawa ng bolahan ng jueteng sa loob ng van na may plakang DWW-609. Pormal na kinasuhan ang mga nadakip na suspek habang nasa pangangalaga ng pulisya ang nasabing sasakyan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments