2 pulis tiklo sa pangingikil
June 27, 2005 | 12:00am
Nalalagay sa balag ng alanging masibak sa tungkulin ang dalawang tauhan ng pulisya na nakatalaga sa Cebu PNP station makaraang maaktuhan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa aktong pangingikil laban sa mag-asawang negosyante sa bahagi ng B. Rodriguez Street, Cebu City kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina PO1 Leo Lapot Batigalao ng Cebu PNP Vice Control Section at PO2 Robert Cuyos ng Cebu PNP Drug Enforcement Unit.
Ayon sa ulat, ang mga suspek ay inireklamo ng mag-asawang Francisco at Dahlia Nabua hanggang sa isagawa ang entrapment operation at maaktuhang tanggapin ang halaga sa mga biktima. (Danilo Garcia)
Ayon sa ulat, ang mga suspek ay inireklamo ng mag-asawang Francisco at Dahlia Nabua hanggang sa isagawa ang entrapment operation at maaktuhang tanggapin ang halaga sa mga biktima. (Danilo Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended